Skip to content
Vibe editing: how to make videos with Claude Code, step by step — tutorial banner
Guides · Free of charge

Vibe editing: paano gumawa ng video gamit ang Claude Code, step by step

Free of charge na guide para sa kahit sino, techie man o hindi. Sasabihin mo kay Claude ang video na gusto mo, at ikaw ang direktor habang siya ang gumagawa.

ni Viron Gil Estrada
Vibe Coders PH · 16 minutong basa ·

Free of charge

Panoorin ang buong tutorial (wala pang 2 minuto). Naka-mute; i-tap ang sound icon para marinig.

Legit free of charge. Walang halong scam.

May mga nagbebenta ng mamahaling kurso kung paano gumawa ng AI video. Tapos pagdating mo sa step 2, nasa likod na ng paywall.

Dito, nasa harap mo lahat, mula step 1 hanggang dulo. Free of charge ang guide na 'to, walang signup, walang email na hinihingi. Hindi tayo nag-gatekeep.

Ano ang vibe editing?

Simple lang. Sasabihin mo kay Claude, sa sarili mong salita, kung anong video ang gusto mo. Siya ang gagawa ng script, ng mga eksena, ng tunog, at ng mismong video file. Ikaw ang direktor. Ikaw ang magsasabi kung ano ang babaguhin hanggang ayos na.

Si Claude ang AI na gawa ng Anthropic. Ang Claude Code ay ang bahagi niya na kayang gumawa ng files at magpatakbo ng mga programa sa computer mo. Nagtatanong muna siya bago mag-install ng kahit ano.

Ano ang pwede mong gawin?

  • Explainer, yung video na nagpapaliwanag ng isang bagay.
  • Skit, may mga karakter na nag-uusap.
  • Promo para sa shop, event, o produkto mo.
  • Lyric video, lumalabas sa screen ang mga salita ng kanta o tula.
  • Data story, kung saan chart at numbers ang nagkukuwento.
  • Slideshow ng mga litrato o ideya, may galaw at caption.

Kahit anong topic, message, at art style. Vertical para sa Reels at TikTok, landscape para sa YouTube, o square. Ikaw ang bahala.

Hindi lahat ng hihilingin mo ay kaya agad sa unang subok. Magsimula ka sa maikli at simple, tapos dagdagan mo.

Magkano ito?

Ang pangunahing gastos ay ang paid plan ng Claude. Ang Pro ay $20 a month (as of October 23, 2026) [5]. Ang iba pang tools ay libre o optional. Nasa dulo ang buong listahan, may presyo bawat isa.

Gaano katagal sa unang beses?

Ang matagal sa unang beses ay ang pag-download at pag-install, depende sa internet mo. Ang unang render ay umaabot ng ilang minuto, kasi nagda-download ito ng sarili nitong browser. Ang render ay yung proseso na ginagawang isang video file ang lahat ng piraso.

Pagkatapos nun, ang isang video na 55 seconds ay mga 5 minuto bago matapos, sa Windows [22].

Ano ba ang Opus 5.5?

Ang "model" ay ang utak ng isang AI. Meron si Claude na iba't ibang model, parang iba't ibang antas ng player sa isang laro. Ang gagamitin natin dito ay ang Opus 5.5.

  • Kailan lumabas? Noong September 22, 2026 [1][2].
  • Ano ang tawag dito ng Anthropic? "the first model in our new Claude 5.5 family" [1].
  • Saan daw ito magaling? Sabi ng Anthropic, "leads in agentic coding, computer use, and knowledge work." [1] Sa simpleng salita, ang agentic coding ay yung AI na gumagawa ng buong trabaho sa code nang sarili, hindi lang sumasagot ng tanong. Ang computer use ay yung gumagamit ng computer na parang tao. Ang knowledge work ay mga trabahong tulad ng research at pagsulat.
  • Sa mahahaba at magulong trabaho rin daw ito magaling, tulad ng pag-update o pag-audit ng buong code project [1]. Ang video ay maliit na project na maraming piraso (script, boses, eksena, tunog), kaya bagay ito sa atin.
  • Sa graphics, may tester na sinipi ang Anthropic. Ang larong ginawa mula sa isang prompt ay "scored higher than any other model on the strength of its graphics and polish" [1]. Laro iyon, hindi video, kaya ituring mo lang itong hint.
  • Kumpara sa iba pang model? Sabi ng Anthropic, simulan sa Opus 5.5 "for most workloads" [3]. May Sonnet 5.5, Haiku 5.5, at Fable 5.1 din. Sabi nila, ang Opus 5.5 ay "performs at the level of Claude Fable 5.1 on most work" [3].
  • Nasa Claude Code ba ito? Oo. Ito ang default model sa Pro at Max (pati sa Team, Enterprise, at API) [4]. Hindi mo kailangang mamili.

Sa experience namin, magaling din ang Opus 5.5 sa motion design, yung timing, layout, at animation code. Galing ito sa sarili naming paggamit, hindi sa announcement ng Anthropic.

Ano ang kailangan mo

  • Computer na Windows 10 (version 1809 o mas bago) o macOS 13 o mas bago, may 4 GB RAM at internet [7][8]. Windows 11 ang natest namin. Mac, hindi pa.
  • Claude Pro (o Max) na account. Libreng account, hindi gagana sa Claude Code [5][8].
  • Ang Claude desktop app. Libre itong i-download.
  • Ang Vibe Editing template mula sa GitHub. Libre.
  • Bakanteng oras para sa unang setup. Mas matagal ang pag-install kapag mabagal ang internet.
  • Optional. Account sa ElevenLabs kung gusto mo ng bagong boses.

Step 1Kumuha ng Claude Pro

  1. Pumunta sa claude.com/pricing.
  2. Mag-sign in o gumawa ng account kung wala ka pa.
  3. Piliin ang Pro plan. Mag-checkout ka doon.

Ang Pro ay $20 a month, o $17 a month kung $200 ang bayad mo for the whole year (as of October 23, 2026) [5]. Nakalista sa Pro card ang "Claude Code is included in all paid plans" [5].

Ang Free plan ay $0, pero walang Claude Code [5]. May Max din, "From $100" a month [6], pero sa simula, Pro na ang gamitin mo. Pwedeng magbago ang presyo at plans, sabi ng Anthropic, kaya i-check mo ang page.

Screenshot ng Pro card sa claude.com/pricing, may marker 1 sa presyo at marker 2 sa linyang "Claude Code". / Screenshot of the Pro card on claude.com/pricing, with marker 1 on the price and marker 2 on the "Claude Code" line.
Ang Pro card sa pricing page. Sa marker 1 ang presyo, sa marker 2 ang "Claude Code" sa listahan.

Step 2I-download ang Claude app

  1. Pumunta sa claude.com/download.
  2. I-click ang Download para sa computer mo. Meron para sa macOS at Windows (beta pa ang Linux) [7].
  3. I-install, buksan, at mag-sign in gamit ang parehong account na pinag-subscribe-an mo ng Pro.
  4. Hanapin at i-click ang tab na "Code". Nandun ang Claude Code.

Kasama na sa app ang Claude Code. Hindi mo kailangan ng terminal o Node.js para sa Claude Code mismo [7].

Screenshot ng claude.com/download, may marker 1 sa Download button para sa macOS at marker 2 sa para sa Windows. / Screenshot of claude.com/download, with marker 1 on the macOS Download button and marker 2 on the Windows one.
Ang download page. Marker 1 ang macOS Download, marker 2 ang para sa Windows.

Para sa mahilig sa terminal

Ang terminal ay isang window kung saan nagta-type ka ng utos sa computer. Kung gusto mo ito at hindi ang app, ito ang opisyal na install command ng Anthropic [8]. Hindi mo ito kailangan kung ginamit mo na ang app.

Windows PowerShell.

irm https://claude.ai/install.ps1 | iex

macOS, Linux, o WSL.

curl -fsSL https://claude.ai/install.sh | bash

Pagkatapos, magbukas ng bagong terminal at i-type ang claude. Nag-a-update ito nang kusa [8].

Step 3Kunin ang Vibe Editing template

Ang template ay isang folder na may laman nang lahat ng kailangan, kasama ang mga skill. Ang skill ay isang set ng instructions na binabasa ni Claude para alam niya kung paano gawin ang isang trabaho. Dalawa ang skill dito, ang vibe-editing at ang vibe-editing-setup [22].

Pumunta sa github.com/vibecodersph/vibe-editing-template.

Paraan A. Code, Download ZIP (walang account)

  1. I-click ang berdeng "Code" button (marker 1 sa screenshot sa baba).
  2. Sa menu na bumukas, i-click ang "Download ZIP" (marker 2).
  3. Hanapin ang na-download na ZIP file. Ang ZIP ay folder na pinisil para maliit. I-unzip mo ito. Sa Windows, right-click at piliin ang "Extract All".
  4. Tandaan kung saan mo inilagay ang folder.

Paraan B. Use this template (kung may GitHub account ka)

Optional lang ito. Kapag naka-sign in ka sa GitHub, may "Use this template" button sa page. Gagawa ito ng sarili mong kopya ng template sa account mo. Tapos i-download mo ito sa computer mo. Kung wala kang account, hindi mo makikita ang button na yan, at okay lang. Sundin mo ang Paraan A.

Screenshot ng GitHub page ng vibe-editing-template, may marker 1 sa berdeng "Code" button at marker 2 sa "Download ZIP" sa bukas na menu. / Screenshot of the vibe-editing-template GitHub page, with marker 1 on the green "Code" button and marker 2 on "Download ZIP" in the open menu.
Ang repo page ng template. Sa marker 1 ang berdeng "Code" button, sa marker 2 ang "Download ZIP" sa menu na bumubukas.

Step 4Buksan ang folder sa Code tab

  1. Sa Claude app, nasa Code tab ka pa rin.
  2. Piliin ang "Local" [7].
  3. I-click ang "Open folder…" at piliin ang folder na in-unzip mo [7]. Yung loob na folder na kita mo ang mga files, hindi yung ZIP.
  4. Tatanungin ka kung pinagkakatiwalaan mo ang folder. Sagutin ng yes.

Ang ibig sabihin ng trust ay pinapayagan mong magbasa at gumawa ng files si Claude sa folder na yan. Mag-trust ka lang ng folder na kilala mo. Ito ay yung kakadownload mo lang sa public page namin.

Ilustrasyon (pinasimple) ng Code tab sa Claude desktop app na may bukas na folder ng Vibe Editing template. / Illustration (simplified) of the Code tab in the Claude desktop app with the Vibe Editing template folder open.
Ilustrasyon (pinasimple): Ang Code tab ng Claude app, bukas ang folder ng template.

Step 5Sabihin ang "i-setup mo ako"

Sa message box ng Code tab, i-type ang "i-setup mo ako". Pwede ring "set me up". Hindi mo kailangan ng command.

Ito ang mangyayari.

  • Sinusuri ni Claude kung ano na ang meron sa computer mo.
  • Nagtatanong siya bago mag-install ng Node.js, Python, at ffmpeg. Ito ang mga programang kailangan ng video engine. Ikaw ang magsasabi kung okay.
  • Gumagawa siya ng settings file na tinatawag na .env.
  • Nire-render niya ang example video, para makita mong gumagana.

Kung may nag-install ng bagong programa at hindi pa rin nakikita, i-restart ang Claude Code o buksan ulit ang app. Tingnan ang FAQ sa baba.

Ilustrasyon (pinasimple) ng Claude Code na nagsisimula ng setup matapos sabihing "set me up". / Illustration (simplified) of Claude Code starting the setup after "set me up" was typed.
Ilustrasyon (pinasimple): Si Claude, sinasagot ang "i-setup mo ako" at sinusuri ang computer mo.
Ilustrasyon (pinasimple) ng permission prompt ng Claude Code bago mag-install ng programa. / Illustration (simplified) of a Claude Code permission prompt before a program is installed.
Ilustrasyon (pinasimple): Nagtatanong si Claude bago mag-install. Basahin mo, tapos sagutin kung okay.

Ano ang API key?

Isipin mo ang API key bilang susi sa sarili mong locker. Ang locker ay account mo sa isang serbisyo, tulad ng ElevenLabs. Ang susi ang nagpapatunay na ikaw yan, at ikaw ang sisingilin kapag ginamit.

Ilalagay mo ang key sa .env, ang settings file. Buksan mo ang .env sa folder, ilagay ang key sa tapat ng pangalan nito, at i-save. Ganito ang itsura.

ELEVENLABS_API_KEY=ilagay-dito-ang-key

Huwag mong i-paste ang key sa chat. Kapag nag-paste ka, ituring mong na-leak na ito. Burahin mo ang key at gumawa ng bago [22].

Dalawang key lang ang pwedeng gamitin dito, parehong optional. Ang ELEVENLABS_API_KEY ay para sa bagong boses at sound effects. Ang GEMINI_API_KEY ay para sa optional na pakikinig ng video. Hindi mo kailangan ng key para i-render ang example. Walang kailangang Anthropic key, account lang ng Claude [22].

Step 6Sabihin kay Claude kung anong video ang gusto mo

Pagkatapos ng setup, sabihin mo kung ano ang gusto mo, sa sarili mong salita. Itatanong muna ni Claude ang mga ito [22].

  • Topic at message. Tungkol saan, at ano ang gusto mong maintindihan ng nanonood.
  • Audience. Para kanino ito.
  • Haba. Gaano katagal ang video.
  • Hugis. Vertical, landscape, o square.
  • Look. Ang itsura, tulad ng paper cutout, chalkboard, o malinis na modern.
  • Tunog. Musika, boses, at sound effects.

Mga prompt na pwede mong kopyahin

Ang prompt ay yung sinasabi o sinusulat mo kay Claude. Palitan mo ang detalye ng sa iyo.

1. Explainer, vertical.

Gumawa tayo ng explainer video para sa Reels tungkol sa kung bakit lumulutang ang bangka sa tubig. Para sa mga bata at sa magulang nila. Isang minuto o mas maikli, vertical. Masaya at malinaw ang tono, parang paper cutout ang itsura. May boses na nagkukuwento sa Taglish.

2. Promo, landscape.

Gumawa tayo ng promo video para sa maliit kong bakery, landscape para sa YouTube at Facebook page namin. Ipapakita ko ang tatlong produkto, ang pangalan ng shop, at kung saan kami mahahanap. Mainit at friendly ang dating, may kalmadong musika.

3. Lyric video, vertical.

Gumawa tayo ng lyric video para sa orihinal kong tula. Ibibigay ko ang mga salita. Lalabas ang mga linya isa-isa sa screen, sa ritmo ng pagbasa. Vertical, madilim ang background at puti ang letra.

Kung may kanta ka na, sabihin mo kay Claude at itanong kung paano ito isasama.

4. Data story, square.

Gumawa tayo ng data story video, square, tungkol sa gastos ko sa kape bawat buwan. Ibibigay ko ang mga numero. Gawing malinaw ang chart, may animation na tumataas ang bars, at isang pangungusap na buod sa dulo.

Dalawang daan, A at B

Pagkatapos ng mga tanong, pipili si Claude ng isa sa dalawang daan [22].

  • Road A. Ang ready-made na low-poly skit style namin. Kung gusto mo ng ganitong look, pwede mo itong gamitin agad.
  • Road B. Kahit anong ibang video, gawa gamit ang HyperFrames. Ang HyperFrames ay libreng video engine mula sa HeyGen. Sinusulat ang video bilang HTML, ang code ng web pages, at nire-render sa computer mo [16][17].
Low-poly 3D na skit / Low-poly 3D skit

Low-poly 3D na skit

Paper-craft na explainer / Paper-craft explainer

Paper-craft na explainer

Horror na parang CCTV / CCTV-style horror

Horror na parang CCTV

Toy film sa Blender / Blender toy film

Toy film sa Blender

Apat na maiikling clip sa magkakaibang style, gawa namin gamit ang parehong paraan. Parehong proseso, ibang itsura.
Ang laman ng proseso, mula itaas pababa.
  1. Idea

    Pinag-uusapan niyo ang topic, ang message, at kung para kanino.

  2. Script

    Isinusulat ni Claude ang mga linya, at binabasa mo lahat.

  3. Boses

    Ginagawa ang boses mula sa script. Kapag bagong boses, dito nauubos ang credits.

  4. Visuals

    Binubuo ang mga eksena at ang look.

  5. Camera

    Pinipili kung gaano kalapit o kalayo ang kuha, at kung paano ito gagalaw.

  6. Tunog

    Nilalagay ang musika at sound effects.

  7. Checks

    Sinusuri ni Claude kung may mali. Pwede ring pakinggan ng optional na Gemini ang tapos na video, pero nagtatanong muna siya.

  8. Render

    Ginagawang isang video file ang lahat.

Step 7Maging direktor

Dito ka mahalaga. Si Claude ang gumagawa, pero ikaw ang may huling salita.

Basahin ang bawat linya bago gumawa ng boses

Ang boses ay nakukuha sa credits. Ang credits ay parang load na nauubos tuwing gumagawa ng boses. Kaya basahin mo muna ang buong script at ipabago ang ayaw mo, bago gumawa ng kahit isang boses. Mas mura ang magbasa kaysa gumawa ulit.

Panoorin ang bawat cut

Ang cut ay yung paglipat mula sa isang eksena papunta sa susunod. Panoorin mo ang draft at isulat ang gusto mong baguhin, sa simpleng salita. Hindi mo kailangan ng teknikal na termino. Heto ang tatlong halimbawa.

Masyadong mabilis ang unang eksena. Pabagalin mo para mabasa ko ang text.
Mas masaya dapat ang tono ng huling linya. Palitan mo, tapos ipakita mo muna sa akin bago gumawa ng boses.
Palakihin ang logo sa dulo, at gawing mas madilim ang kulay ng background.

Render, tapos mag-post

Kapag ayos na, sabihin mong i-render ang final. Ikaw na ang mag-post. Isa lang ang render o build na tatakbo sa isang pagkakataon, kaya hintayin mo itong matapos [22].

Mga patakaran sa pag-post

  • Kung nasa ElevenLabs Free ka, bawal ang commercial use. Dapat mong i-credit ang "elevenlabs.io" sa title ng post [9][10].
  • Ang ElevenLabs Starter ay may commercial licence [9].
  • Ang mga sound sa template ay CC0, ibig sabihin libre mong magagamit, kasama ang effects na gawa ng ElevenLabs. Pero ang mga boses mismo ay sa ElevenLabs pa rin, kaya sundin ang patakaran sa taas [22].
  • May default na credit sa closing card ng video, "Made with · Vibe Editing template · vibecoders.ph" [22].

Kung gusto mo ang style namin

Kung gusto mo ang look na low-poly skit, yung Road A, meron kaming sariling skill para dun. Ang pangalan ay vibe-editing, at nasa loob ito ng template na kinuha mo na [22].

Lumaki ito mula sa Claude Kami series namin [22]. Hindi mo kailangang sundin ang look na ito. Kung iba ang gusto mo, Road B ang daan.

Dalawang maikling clip ng low-poly 3D skit. / Two short clips of a low-poly 3D skit.
Dalawang maikling clip ng low-poly 3D skit. / Two short clips of a low-poly 3D skit.
Dalawang clip sa low-poly skit style namin, mula sa episode 13.

Lahat ng tools at gastos

Lahat ng presyo ay as of October 23, 2026. Nagbabago ang mga ito, kaya i-check ang page ng bawat isa.

Claude (Pro, Max)

Kailangan

Ang AI at account mo. Kailangan. Pro ay $20 a month, o $17 a month kung $200 ang bayad mo for the year. Max ay "From $100" a month. Free ay $0, pero walang Claude Code (as of October 23, 2026) [5][6].

claude.com/pricing

Claude Code

Kailangan

Ang bahagi ni Claude na gumagawa ng files at nagpapatakbo ng programa sa computer mo. Kailangan. Kasama ito sa lahat ng paid plan, kaya walang hiwalay na bayad (as of October 23, 2026) [5].

code.claude.com/docs/en/desktop-quickstart

Opus 5.5

Kailangan

Ang model o utak na gagamitin. Kailangan. Kasama ito sa Pro at Max bilang default, at kailangan ng Claude Code version 2.1.280 o mas bago [4]. Ang presyo sa API ay para sa mga developer na direktang kumokonekta, $4 per million input tokens at $20 per million output tokens. Ang token ay maliit na piraso ng salita (as of October 23, 2026) [2].

www.anthropic.com/news/claude-opus-5-5

ElevenLabs

Optional

Gumagawa ng boses at sound effects. Optional, kailangan mo lang kung gusto mo ng bagong boses o effects. Ang key ay ELEVENLABS_API_KEY. Free ay $0, 10,000 credits a month, para sa non-commercial lang. Starter ay $6 a month ($5 a month kung yearly), 30,000 credits, may commercial licence at voice cloning (as of October 23, 2026) [9]. Mas maraming credits ang kinakain ng sound effects kaysa sa isang linya [22].

elevenlabs.io/pricing
Pricing page ng ElevenLabs, Free at Starter / ElevenLabs pricing page, Free and Starter plans
Ang pricing page ng ElevenLabs. Marker 1 at 2, ang Free plan, $0 at 10k credits kada buwan. Marker 3 at 4, ang Starter, $6 at may Commercial License.

Google Gemini API

Optional

Pinapakinggan ang tapos na video at inilalarawan ang tunog. Optional. Ang key ay GEMINI_API_KEY. May free tier, at libre ang audio input sa mga Flash model (as of October 23, 2026) [13]. Sa free tier, pwedeng gamitin ng Google ang content mo para pagandahin ang produkto nila, at pwedeng may taong tumingin nito. Sabi ng Google, huwag mag-submit ng sensitive o personal na impormasyon [14]. Hindi ginagamit ang data sa paid tier [13][14]. Nagtatanong muna si Claude bago mag-send ng audio [22].

ai.google.dev/gemini-api/docs/pricing

HyperFrames

Kailangan

Ang video engine na nagre-render ng video mula sa HTML. Kailangan. Libre at open source ng HeyGen, Apache-2.0, "no per-render fees or commercial-use thresholds." Nagre-render ito sa computer mo gamit ang sarili nitong headless Chrome, isang browser na walang nakikitang window. May hosted cloud render ang HeyGen pero hindi natin kailangan ito (as of October 23, 2026) [16][17].

hyperframes.heygen.com

Three.js at GSAP

Kailangan

Ang pangguhit ng 3D at ang pang-animate ng galaw. Kailangan. Libre. Naglo-load ang mga ito mula sa internet habang nagre-render, kaya kailangan ng internet (as of October 23, 2026) [18][22].

threejs.org

Node.js

Kailangan

Programang nagpapatakbo ng HyperFrames. Kailangan, version 22 o mas bago. Libre. Magtatanong si Claude bago ito i-install (as of October 23, 2026) [19][22].

nodejs.org/en/download

Python

Kailangan

Programang ginagamit sa mga script ng template. Kailangan, version 3.10 o mas bago, kasama ang Pillow at numpy. Libre. Magtatanong si Claude bago ito i-install (as of October 23, 2026) [20][22].

www.python.org/downloads/

ffmpeg

Kailangan

Programang nagdudugtong ng video at audio. Kailangan. Libre. Magtatanong si Claude bago ito i-install (as of October 23, 2026) [21][22].

ffmpeg.org/download.html

Git for Windows

Optional

Tumutulong sa Bash tool ng Claude Code sa Windows. Optional, pero recommended. Libre (as of October 23, 2026) [8].

gitforwindows.org

GitHub account

Optional

Kailangan lang para sa "Use this template". Optional. Hindi mo ito kailangan kung Download ZIP ang gagamitin mo. Libre ang mag-sign up.

github.com

Lyria (hindi ginagamit)

Optional

Music model ng Google. Hindi ginagamit ng template, dahil gawa sa code ang musika. Optional kung gusto mo ng AI music, pero hindi namin ito nasubukan sa template. Mga $0.04 para sa 30-second clip at $0.08 para sa buong kanta (Preview), at wala sa free tier. May SynthID watermark ang output (as of October 23, 2026) [15].

ai.google.dev/gemini-api/docs/music-generation

Wala nang ibang account o key na kailangan [22].

Kapag na-stuck ka

Nag-install si Claude ng programa pero hindi niya makita.

Normal ito sa Windows. I-restart ang Claude Code o buksan ulit ang app, para makita nito ang mga bagong programa. Tapos sabihin mong ituloy [22].

Nag-open ang Microsoft Store nang i-type ang "python".

Nangyayari ito sa Windows [22]. Isara ang Store at sabihin kay Claude kung ano ang nangyari. Kilala ng setup ang problemang ito.

Mac ako. Gagana ba ito?

Hindi pa namin natest. Windows 11 lang ang natest namin [22]. Subukan mo pa rin, at sabihin mo sa amin sa Discord kung ano ang nangyari.

Sobrang bagal ng unang render.

Normal ito. Nagda-download ang HyperFrames ng sarili nitong browser sa unang gamit, at kailangan ng internet [22][16]. Hintayin mo. Isang render lang ang patakbuhin sa isang pagkakataon.

Hindi gumagana ang boses sa Free plan ko.

Sa ElevenLabs Free, hindi pwedeng gamitin sa API ang mga boses mula sa Voice Library [11]. Walang iisang boses na gumagana sa lahat ng account [22]. Sabihin kay Claude ang error na lumabas. Ang Starter, $6 a month, ay may mas maraming opsyon (as of October 23, 2026) [9].

Naubusan ako ng credits.

Buwanan ang credits ng ElevenLabs. Ang Free ay 10,000 credits a month, at ang Starter ay 30,000 [9]. Hindi fixed ang bilang ng credits kada letra, at nag-iiba ito sa model at sa kung website o API ang gamit [12]. Sa madaling sabi, mga isang credit ang isang letra, depende sa model. Basahin ang script bago gumawa ng boses, at bawasan ang sound effects, kasi mas marami ang kinakain ng effects [22].

Tapos ka na. Gumawa ka na.

Free of charge ang guide na 'to, at libre mo ring i-share. Ipasa mo sa kaibigan mong creator na akala niya hindi para sa kanya ang AI video. Gumawa ka ng kahit isang maikling video ngayong linggo. Tapos i-tag mo kami sa @vibecodersph, gusto naming makita.

Kung na-stuck ka, nasa Discord namin ang tulong. Tanungin mo kami.

Yung step 2? Nasa taas lang. Wala sa likod ng paywall.

Mga source

  1. Introducing Claude Opus 5.5 (Anthropic announcement). https://www.anthropic.com/news/claude-opus-5-5
  2. Claude Opus 5.5 overview, "Released September 22, 2026" (Claude Docs). https://platform.claude.com/docs/en/models/opus-5-5/overview
  3. Models overview (Claude Docs). https://platform.claude.com/docs/en/models/overview
  4. Model configuration (Claude Code Docs). https://code.claude.com/docs/en/model-config
  5. Claude pricing. https://claude.com/pricing
  6. Claude Max pricing. https://claude.com/pricing/max
  7. Desktop quickstart (Claude Code Docs). https://code.claude.com/docs/en/desktop-quickstart
  8. Advanced setup (Claude Code Docs). https://code.claude.com/docs/en/setup
  9. ElevenLabs pricing. https://elevenlabs.io/pricing
  10. Can I publish the content I generate on the platform (ElevenLabs help center). https://elevenlabs.io/docs/help-center/legal/can-i-publish-the-content-i-generate-on-the-platform.md
  11. Voice Library (ElevenLabs Docs). https://elevenlabs.io/docs/voices/voice-library
  12. Billing (ElevenLabs Docs). https://elevenlabs.io/docs/overview/administration/billing.md
  13. Gemini API pricing (Google AI for Developers). https://ai.google.dev/gemini-api/docs/pricing
  14. Gemini API additional terms of service (Google AI for Developers). https://ai.google.dev/gemini-api/terms
  15. Music generation with Lyria (Google AI for Developers). https://ai.google.dev/gemini-api/docs/music-generation
  16. HyperFrames by HeyGen (GitHub). https://github.com/heygen-com/hyperframes
  17. HyperFrames documentation. https://hyperframes.heygen.com
  18. Three.js (GitHub). https://github.com/mrdoob/three.js
  19. Node.js download. https://nodejs.org/en/download
  20. Python downloads. https://www.python.org/downloads/
  21. FFmpeg download. https://ffmpeg.org/download.html
  22. Vibe Editing template (GitHub), README and skills. https://github.com/vibecodersph/vibe-editing-template