Skip to content

Claude Kami · Libre

Paano ginawa: step by step

Libre

Libre ito. Walang signup, walang paywall, walang email gate. Hindi tayo nag-gatekeep. Vibe coders tayo: may code sa likod ng Claude Kami, pero hindi mo kailangang magsulat ng kahit isang linya. Nasa loob na ito ng mga skill. I-clone mo ang template, ilagay mo ang sarili mong panlasa at assets, at ikaw pa rin ang gagawa ng trabaho mo.

Ang Claude Kami ay Taglish skit series na code-rendered: si Bai, isang low-poly na guy, at si Claude, ang honest na orange block, nag-uusap sa isang kwarto. Ang halimbawa dito ay episode 13, “Legit Developer”: panoorin sa Instagram o sa Facebook.

Note: Bai ang pangalan niya ngayon. Episode 13 still calls him Buloy.

Ang daloy

Walong hinto, dalawang checkpoint.

Hindi mo ito ginagawa nang mano-mano: ang mga skill ang sumusunod sa daloy na ito. Dalawang checkpoint ang nasa ibabaw. Binabasa mo ang bawat linya bago gumawa ng boses, at may independent critic na nagre-review, hanggang dalawang rounds lang.

Daloy ng isang Claude Kami reel / Pipeline of a Claude Kami reel1. Scriptkwento moBasahin ang bawat linya2. Bosesbawat linya3. Set3D na kwarto4. Cameraauto na shots5. Tunogboses muna6. Checkshumihinto sa mali7. Renderang videoIndependent critic8. Postkapag aprub mo

Hakbang 1

Kumuha ng Claude

Ang pangunahing gastos ay isang bayad na Claude plan na may Claude Code: $20 kada buwan ang Pro. Iyon ang gamit namin, at iyon ang gumagawa ng halos lahat ng trabaho.

  • Ang mga boses ay galing sa ElevenLabs. Libre ang Free plan: 10,000 credits kada buwan, isang credit bawat letra. Mga 800 hanggang 900 letra ang boses ng isang episode, kaya mga sampung episode kada buwan ang kasya. Pero walang commercial licence ang Free.
  • Libre para subukan. Kung kikita ka rito o gagawa para sa isang brand, kumuha ng Starter: $6 kada buwan, 30,000 credits, may commercial licence.
  • Hindi puwedeng gamitin ng Free plan ng ElevenLabs ang mga boses sa Voice Library sa pamamagitan ng API. Kaya tinutulungan ka ng setup na pumili ng mga boses na kaya ng sarili mong account.
  • Ang Gemini ay para sa optional na listening check. Tatanungin ka muna bago ito magsimula, at ipinapadala nito ang audio sa Google.
  • Presyo ng ElevenLabs noong Oktubre 2026. Puwedeng magbago, kaya tingnan mo rin ang site nila.

Hakbang 2

I-clone ang Claude Kami template

Ang template ay nasa ilalim ng Vibe Coders PH GitHub organisation. Ang “clone” ay simpleng paggawa ng sarili mong kopya nito sa computer mo.

  • Isa itong GitHub template: pindutin ang “Use this template” sa GitHub para magkaroon ng sarili mong kopya, o i-clone ito.
  • Hindi mo kailangang intindihin ang code sa loob. Nasa loob na ng mga skill ang lahat ng hakbang.
  • Template ito, hindi tapos na episode. Panimula mo ito.
Buksan ang template sa GitHub

Hakbang 3

Buksan sa Claude Code

Buksan ang folder ng template sa Claude Code. Puwede ang desktop app o ang terminal, alinman ang mas komportable ka.

  • Hindi ka magta-type ng code. Nakikipag-usap ka kay Claude gaya ng pakikipag-usap sa kasama mo.
  • Nasa folder na ang mga skill, kaya alam na ni Claude ang mga hakbang.
  • Sabihin kay Claude: “i-setup mo ako”
  • Ang setup ang magkakabit ng anumang kulang, gagawa ng settings file mo (nasa computer mo lang ang mga key mo), at magre-render ng halimbawang episode.
  • Kailangan ng Node.js 22 o mas bago. Kapag wala pa, ang setup ang magkakabit nito.
  • Bago magsimula, tatanungin ka kung gusto mo ang optional na Gemini listening check. Ipinapadala nito ang audio sa Google.
  • Ang halimbawang episode ay episode 13, “Legit Developer”, na nilagyan ulit ng boses gamit ang mga default voice ng ElevenLabs, kaya nagre-render ito kahit wala kang mga key.

Hakbang 4

Sabihin kay Claude ang gusto mo

Ibigay mo ang premise mo at ang mga karakter mo, sa sarili mong salita. Si Claude ang magdra-draft ng script sa Taglish.

  • Para magsimula ng bago, sabihin: “gawa tayo ng bagong episode tungkol sa …”
  • Sa episode 13, nagsisimula ang hook sa “Claude,”: “Claude, legit developer ba ako?”
  • Flat at maaga ang sagot ni Claude, mga dalawang segundo: “Define 'legit.'”
  • Dalawang karakter, palitan ng linya, 40 hanggang 55 segundo.
  • Ang huling linya ay bumabalik sa isang naunang biro. Sa episode 13, bumabalik ito sa for-loop na linya.
  • Natural na Taglish, hindi pilit.
  • Binabasa mo ang bawat linya bago gumawa ng kahit anong boses. Ito ang checkpoint mo.
Unang 6 segundo ng episode 13: ang hook, tapos ang flat na sagot ni Claude.

Hakbang 5

Ang mga skill ang gumagawa ng mabigat na trabaho

Dito nangyayari ang code, pero hindi mo ito hawak. Heto ang nangyayari sa loob, sa simpleng salita.

  • Mga boses. Isang voice clip bawat linya, may word timing, kaya sumasabay ang galaw sa mga salita. Kapag sobrang haba, pinapabilis nang kaunti ang isang linya (hindi nagbabago ang tono) o pinaiikli ang mga katahimikan, para pasok sa 40 hanggang 55 segundo.
  • Ang 3D na kwarto. Walang finilm. Isang low-poly na kwarto na ginuhit ng code, at solid ang mga hawak na bagay: walang tumatagos.
  • Virtual cinematographer. Siya ang pumipili ng shot bawat linya, base sa kung nasaan ang cast. Close-ups muna. Ang wide ay isang segundong hinga. Ipinapakita ang screen nang mga dalawang segundo, tapos balik sa mukha. Ang captions ay nasa safe area, wala sa mga mukha.
  • Tunog. Una ang mga boses; ang music at effects ay nasa ilalim nila. Ang huling mix ay umaabot sa karaniwang lakas ng tunog ng streaming. (Ang episode 13 ay gumamit ng mas lumang mix kung saan bumababa ang music habang may nagsasalita. Mula episode 14, voices-first na.) Ang bawat tunog na kasama sa template ay gawa sa code o gawa ng Vibe Coders PH gamit ang ElevenLabs, at lahat ay CC0 (libreng gamitin).
  • Mga check. Bago mag-render, hinihinto ng proseso ang masamang frame o masamang mix: kamay na tumatagos sa hawak, caption sa mukha, boses na hindi maririnig, maling lakas ng tunog.
  • Independent critic. Isang hiwalay na reviewer ang tumitingin sa episode, hanggang dalawang rounds lang.
Labing-isang close-up ng orange block na mukha ni Claude, may dalawang maitim na hugis ng mata na nagbabago mula neutral at flat hanggang wide, squint, happy at pikit / Eleven close-ups of Claude's orange block face, each with two dark eye shapes that change from neutral and flat to wide, squint, happy and closed
Mga hugis ng mata ni Claude, mula neutral hanggang pikit. Dalawang maitim na hugis lang ang buong mukha.
Kumikinang na laptop sa mesa na nagpapakita ng tatlong search kung paano mag-for loop sa Python, may markang 11x this month, at si Claude sa ibabaw ng ilang libro sa likod / A glowing laptop on a desk shows three searches for how to write a for loop in Python, marked 11x this month, with Claude on a stack of books behind it
Ang laptop prop. Itinatakda ng bawat episode kung ano ang makikita sa screen.
Ang wide ay hinga: mga isang segundo, tapos balik sa nagsasalita.
Ang laptop insert, STATUS 500 papuntang STATUS 200. Nagtatapos ang clip kay Claude, at STATUS 200 ang nakikita sa laptop.
Frontal na close-up ni Claude, ang orange block, na nakatingin deretso sa lente / Frontal close-up of Claude, the orange block, looking straight into the lens
Si Claude, deretso sa lente, sa taas ng mata niya.
Plan mula sa itaas nina Bai at Claude, may limang posisyon ng camera / Top-down plan of Bai and Claude with five camera positionsBaiClaudelaptop12345Halimbawang plan mula sa itaas, hindi ang totoong layout.1Close-up ni Bai2Harapan kay Claude3Silang dalawa4Claude + laptop5Detalye ng laptop
Contact sheet ng episode 13: may caption na frame para sa bawat linya, L0 hanggang L19, at ilang in-between frame / Contact sheet of episode 13: a captioned frame for every line, L0 to L19, plus a few in-between frames
Storyboard ng episode 13: ang frame ng bawat linya (L0 hanggang L19), may ilang in-between frame.

Hakbang 6

Dalhin ang sarili mong panlasa, kwento at assets

Panimulang punto lang ang template. Ikaw ang nagbibigay dito ng sarili mong buhay.

  • Ang premise mo, ang mga karakter mo, ang mga biro mo.
  • Ang mga boses na pipiliin mo.
  • Ang set at ang mga props na bagay sa kwento mo.
  • Kung gagayahin mo ang format ng isang reel, ilagay sa first comment ang credits, sources at ang pagsasabing fiction ito.

Hakbang 7

Ikaw pa rin ang gagawa ng trabaho mo

Hindi ito one-click. Basahin mo ang bawat linya, panoorin mo ang bawat cut, at ikaw ang magpo-post.

  • Sa amin, naghihintay ang pag-post ng approval. Kapag nabago ang video pagkatapos ng approval, hindi ito magpo-post.
  • Dalawang oras ang pagitan ng mga post, at hanggang dalawang post lang kada araw kada channel.
  • Binabasa muna pabalik ang link ng post bago sabihing live ito.
  • Sa render, may kopya para sa upload at mas maliit na kopya para sa phone.

Panoorin

Panoorin ang buong episode.

Ang episode 13, “Legit Developer”, ang sinusundan ng page na ito. I-follow ang @vibecodersph para sa susunod. Libre pa rin.